Latest Posts
PALITAW (ROLAINE)
Hango sa salitang “litaw” dahil kapag ito ay luto na ito ay lumilitaw. “Ang buhay ay para palitaw sa una ay lulubog ka, sa huli ikaw rin ay aangat at lilitaw.”
SANGKAP
- Malagkit Rice Powder - Kinayod na niyog - Tubig - Asukal - Sesame seeds - Tubig
PARAAN NG PAG LUTO
1.) Ilagay ang 3 tasa harina sa malinis na bowl at tantiyahin ang ilalagay na tubig, basta’t ingatan ito na wag masyadong malagnaw. 2.) Maghanda rin ng isang bowl ng isang tasang harina. 3.) Himas-himasin ang dough nito at pagkatapos ay bilog-bilugin at palaparin,ila gay ito sa susunod na bowl na may tuyong harina upang hindi ito dumikit. 4.) Initin ang takure na may tubig hangga’t sa kumulo ito. 5.) Ilagay ang mga nagawang dough sa kumukulong tubig ng 1-2 minutes. 6.) Kapag ito ay lumitaw ito ay luto na. 7.) At sa huli lagyan ito ng Kinayud na niyog, Asukal at Semame seeds at pwede na i-serve.

KARE-KARE (WENDY)
Ang kari-kare, kari-kari o kare-kare (Ingles: stew with peanut sauce) ay isang lutuing Pilipino na may katas ng mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka. Kadalasang may bagoong kasama para isang sawsawan. Maaari ring gamitin ang paa ng baka. Sa halip na sarsa ng mani, ipinamamalit kung minsan ang gata ng buko sa paggawa ng kari-kare.
SANGKAP
1 piraso buntot ng baka (1 ½ kilo) 10 tasa kumukulong tubig 10 tasa malamig na tubig 1 ulo bawang, pinitpit 2 piraso sibuyas, tinadtad 4 piraso kamatis, tinadtad 2 kutsara atsuwete 1 tasa katamtamang lamig na tubig 4 kutsara peanut butter 1 pakete kare-kare mix
½ kilo pechay tagalog ¼ kilo abitsuwelas (baguio beans), hiniwa sa 1" ang haba
½ kilo bataw, hiniwa ng 2" pahilis ½ kilo sigarilyas, hiniwa ng 2" ang haba 1 tali sitaw, hiniwa ng 2" ang haba 1 piraso talong, hiniwa ng 2" ang haba at lapad 1 piraso puso ng saging, hiniwa sa 2" ang haba at kapal 1 ulo repolyo, hiniwa ng 2" ang haba at lapad 3 kutsara mantika 1 kutsaritang asin
PARAAN NG PAGLUTO
Para sa buntot ng baka Baguhin Ihulog ang hiwa-hiwang buntot sa kumukulong tubig. Dahan-dahan ito nang hindi ito mabanlian. Takpan at pabayaang kumulo sa loob ng 7 minuto. Hanguin at inumin ang sabaw. Linising mabuti ang buntot, kaskasin ang lahat ng dumi, at alisin ang balahibo sa balat. Lamasin sa kaunting apog at hugasang mabuti. Pagisa ng buntot Baguhin Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa mantika. Takpan sa loob ng 3 minuto. Halu-haluin. Isama ang mga pira-pirasong buntot. Takpang muli sa loob ng 3 minuto. Pagluto ng ibang sangkap Baguhin Sa malalim na lutuan, isalin ang nagisang buntot. Ibuhos ng malamig na tubig at takpan. Lutuin muna sa malakas na apoy. Pag kumulo na, halu-haluin, at hinaan ang apoy. Takpang muli hanggang lumambot ang buntot. Minsan-minsang haluin upang huwag manikit sa ilalim ng kaldero. Kapag malambot na ang buntot, isama ang kare-kare mix. Katasin ang atsuwete sa 1 tasang tubig, ihalo at ibuhos. Kapag kumulo ay isama ang bataw, sigarilyas, sitaw, at puso ng saging. Halu-haluin at takpan sa loob ng 5 minuto. Isama ang peanut butter, halu-haluin at isama ang abitsuwelas (baguio beans) at talong. Takpan. Pagkaraan ng 3 minuto, isama ang repolyo, pechay, at asin. Halu-haluin. Hinaan sa katamtamang apoy, at pabayaang kumulo ng 3 minuto. Ihaing mainit kasama ng bagoong alamang o binagoongang baboy.
PININYAHANG ADOBONG MANOK (WENCY)
Pininyahang Adobong Manok. Alam naman natin ang isa sa mga paburito ng mga pilipino ay ang adobo,lalo na kapag hinaluan pa to ng kakaibang pag luto nito. Ang pag gawa nito ay manok,bawang,sibuyas,pinya,at ang katas ng pinya na nag papatamis ng sabaw. Bukod sa pinya Ang nag papalasa nito ito rin ay lalong nag papasarap sa panlasa ng pilipino dahil sa masarap at ito rin ay magandang tignan sa mata ng mga tao na kumakain nito.
SANGKAP
400 gramo Chicken Meat (i-cut papunta sa paghahatid ng mga bahagi) 1 tbsp bawang (durog, para atsara) 1 tbsp Soy Sauce (para atsara) 1/4 tsp paminta (durog, para atsara) Pineapple Syrup (para atsara) 2 tbsp Cooking Oil (para sa Pagprito) Sugar (sa lasa) 2 tbsps bawang (durog, pinirito) 1 na lagayan (115 gramo) Del Monte Pineapple Tidbits (pinatuyo, reserve syrup) 1 1/2 tbsp Del Monte Red Cane Vinegar (para atsara)
Pagluluto Pamamaraan: Ibabad manok sa loob ng 30 minuto. Alisan ng tubig at reserve atsara. Fry manok sa langis hanggang golden brown. Pagsamahin manok sa pambabad pagkatapos kumulo hanggang manok ay malambot. Season na may asukal sa lasa. Idagdag DEL MONTE Pineapple Tidbits. Top na may pritong bawang. Gumagawa 4 servings Lusog Notes: Pineapple ay isang mahusay na mapagkukunan ng hibla, na pantulong sa panunaw. Mayroon din itong Vitamin C na tumutulong sa labanan ang mga karaniwang impeksiyon.
Totsong Bangus with Ampalaya (VEA)
Totsong Bangus with Ampalaya

Sangkap: * Bangus (depende sa kung gaano karami ang gustong lututin) * 1 lata ng pulang soya * 1 sibuyas * 1 bawang * 1 ampalaya * Mantika, asin, at pamintang durog
Paraan ng pagluluto: * Ilagay ang mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas * Ilagay ang pulang soya * Ilagay ang paminta * Kapag kumulu na, ilagay na ang bangus at ampalaya na hiniwa sa maliliit * Tikman sa panlasa bago lagyan ng asin
n.



CHAMPORADO WITH TUYO (RIA)
Ang champorado ay paboritong kainin ng mga Pinoy lalo na tuwing naulan. Karaniwang kinakain ito tuwing umaga o kaya naman ay meryenda. Ang ibig sabihin ng champorado ay "halu-haluin". 
SANGKAP 
1/2  cup malagkit na bigas
1/2  cup ordinaryong bigas
8 cups water ( dagdagan kung kailangan)
1/2 cup chocolate powder
asukal ( depende sa iyong panlasa)
evaporated milk (depende sa iyong panlasa)
Tuyo
PARAAN NG PAGLUTO (RECIPE)
1. Paghaluin ang bigas at hugasang mabuti, ilagay sa kalde kasama ng tubig at pakuluin ito. Kapag nagsimula ng kumulo, haluin paminsan minsan upang huwag dumikit, lutuin hanggang sa lumambot.
2. Kung luto na ihalo ang chocolate powder at haluing maigi at patuloy na pakuluan hanggang maabsorb ng kanin ang kulay ng chocolate.
3. Mag pirito ng Tuyo.3. Ilagay sa mga mangkok  lagyan ng gatas at asukal , haluing maigi saka ihain.