Latest Posts

CHAMPORADO WITH TUYO (RIA)

By 8:19 PM

CHAMPORADO WITH TUYO (RIA)
Ang champorado ay paboritong kainin ng mga Pinoy lalo na tuwing naulan. Karaniwang kinakain ito tuwing umaga o kaya naman ay meryenda. Ang ibig sabihin ng champorado ay "halu-haluin". 
SANGKAP 
1/2  cup malagkit na bigas
1/2  cup ordinaryong bigas
8 cups water ( dagdagan kung kailangan)
1/2 cup chocolate powder
asukal ( depende sa iyong panlasa)
evaporated milk (depende sa iyong panlasa)
Tuyo
PARAAN NG PAGLUTO (RECIPE)
1. Paghaluin ang bigas at hugasang mabuti, ilagay sa kalde kasama ng tubig at pakuluin ito. Kapag nagsimula ng kumulo, haluin paminsan minsan upang huwag dumikit, lutuin hanggang sa lumambot.
2. Kung luto na ihalo ang chocolate powder at haluing maigi at patuloy na pakuluan hanggang maabsorb ng kanin ang kulay ng chocolate.
3. Mag pirito ng Tuyo.3. Ilagay sa mga mangkok  lagyan ng gatas at asukal , haluing maigi saka ihain.


You Might Also Like

0 comments