PALITAW (ROLAINE)
PALITAW (ROLAINE)
Hango sa salitang “litaw” dahil kapag ito ay luto na ito ay lumilitaw.
“Ang buhay ay para palitaw sa una ay lulubog ka, sa huli ikaw rin ay aangat at lilitaw.”
SANGKAP
- Malagkit Rice Powder
- Kinayod na niyog
- Tubig
- Asukal
- Sesame seeds
- Tubig
PARAAN NG PAG LUTO
1.) Ilagay ang 3 tasa harina sa malinis na bowl at tantiyahin ang ilalagay na tubig, basta’t ingatan ito na wag masyadong malagnaw.
2.) Maghanda rin ng isang bowl ng isang tasang harina.
3.) Himas-himasin ang dough nito at pagkatapos ay bilog-bilugin at palaparin,ila gay ito sa susunod na bowl na may tuyong harina upang hindi ito dumikit.
4.) Initin ang takure na may tubig hangga’t sa kumulo ito.
5.) Ilagay ang mga nagawang dough sa kumukulong tubig ng 1-2 minutes.
6.) Kapag ito ay lumitaw ito ay luto na.
7.) At sa huli lagyan ito ng Kinayud na niyog, Asukal at Semame seeds at pwede na i-serve.

0 comments